Water level ng Angat dam muling nabawasan
Muling nabawasan ang water levels ng ilang dam sa Luzon.
Ayon sa PAGASA hydrometeorology division, muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam na nasa 189.23 meters ngayong alas-6:00 umaga ng Biyernes (October 11) mas mababa sa 189.55 meters na antas kahapon.
Ang water level ng La Mesa dam ay nabawasan rin na nasa 78.04 meters ngayong alas-6:00 ng umaga mas mababa sa 78.10 meters na antas nito kahapon.
Bumaba rin ang water level ng Ambuklao, Magat at Caliraya dams.
Samantala, nadagdagan naman ang water level ng Ipo, Binga, San Roque At Pantabangan dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.