Kaso laban sa 4 na suspek sa pagpatay sa bise alkalde ng isang bayan sa Masbate, isasampa na ng pulisya sa piskalya

By Ricky Brozas October 11, 2019 - 08:07 AM

Lutas na ng Manila Police District (MPD) ang kaso ng pananambang kay Batuan Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Kinumpirma ni Capt. Henry Navarro, ang pinuno ng MPD homicide na ngayong araw ay ihahain na sa prosecutor ng Maynila ang kasong murder laban sa apat na suspek.

Kabilang sa mga kakasuhan ng murder ay sina Bradford Solis, 41; Juanito de Luna, 54; Junel Gomez, 36; at Rigor Dela Cruz, 38.

Ayon kay Navarro, pinagbatayan sa ihahaing kaso ang aktwal na pangyayari na nakita ng mga testigo ang mga suspek na pumatay sa biktima at footages mula sa mga nakalagay na CCTV sa lugar at iba pang dinaanan ng kulay silver gray na van (ACM-8804).

Sinasabi ng pamilya ng biktima na pulitika ang motibo sa krimen at itinuturo si PCSO Board Member Sandra Cam bilang utak sa pagpatay.

Ngunit pinaliwanag ni Navarro na ipauubaya na lamang sa full blown trial ng husgado ang pagtukoy sa motibo sa krimen at kung sino pa ang mga dapat managot sa pagpatay kay Mayor Yuson.

TAGS: ang pinuno ng MPD homicide, apat na suspek., Batuan Ticao Island, Capt. Henry Navarro, Manila Police District, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III., ang pinuno ng MPD homicide, apat na suspek., Batuan Ticao Island, Capt. Henry Navarro, Manila Police District, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.