Repatriation ng mga Pinoy kapag lumala ang sitwasyon sa Saudi Arabia at Iran handa na

By Den Macaranas January 11, 2016 - 04:35 PM
Saudi consulate
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Vice consul Alex Estomo na kinausap na nila ang mga Pinoy sa Saudi Arabia kaugnay sa paghahandang inilatag sakaling lumala ang sitwasyon sa pagitan ng Saudi Arabia at ng bansang Iran. Ipinaliwanag ng opisyal na meron na silang itinalagang apat na convergence points kung sakaling umabot ang sitwasyon sa kritikal na antas at kinakailangan na ang mass evacuation.

Ang mga lugar na tinukoy ay ang Tabuk, Yanbu, Jeddah at Khamis/Mushayt area na pawang matatagpuan sa Western part ng Saudi Arabia.

Kinumpirma rin ng opisyal na tuloy-tuloy na ang namomonitor nilang bombahan malapit sa Saudi Arabia-Yemen border.

Isang crisis management hub na rin ang binuo para sa mga Pinoy na malapit sa lugar at ito’y matatagpuan sa mga lalawigan ng Jizan, Samtah at Najran.

Ipinaliwanag ni Estomo na inaayos na rin ng Konsulada sa Jeddah ang ilang mga paraan para sa mabilis na pagkuha ng service benefits at repatriation ng mga Pinoy doon kung kinakailangan.

TAGS: Estomo, Iran, ofw, Saudi, Estomo, Iran, ofw, Saudi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.