Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at buong Visayas, maalinsangang panahon ang mararanasan maliban na lamang sa mga pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.
Dahil naman sa trough ng Typhoon Hagibis na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang katamtamang pag-ulan sa Davao Region, Northern Mindanao at Caraga.
Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Babuyan Islands, northern coast ng Ilocos Norte, Isabela, Aurora, Quezon kasama ang Polilio Island, Camarines Province at Catanduanes.