Paghanap ng pondo para sa UHC isang malaking hamon ayon sa DOH

By Rhommel Balasbas October 11, 2019 - 05:04 AM

DOH photo

Nananatiling malaking hamon para sa Department of Health (DOH) ang paghanap ng pondo para sa Universal Health Care (UHC) program.

Sa pulong balitaan matapos lagdaan ang implementing rules and regulations (IRR) ng UHC law, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na malaki pa rin ang problema sa pondo maliban sa unang taon ng implementasyon ng batas.

Sa 2020, kailangan ng DOH ang P257 bilyong piso para sa rollout ng programa.

Gayunman, dahil tataas ang funding sa UHC ng 10 hanggang 15 percent kada taon, mula 2020 hanggang 2024 ay kakailanganin ng kagawaran ng aabot sa P1.5 trilyon para rito.

“The funding problem remains to be big. But not in the first year. P257 billion in the first year of implementation with incremental increases of about 10 to 15 percent per annum, so all told, you’ve been talking about five year– 2020 to 2024– that will be about P1.5 trillion requirement to operationalize UHC,” ani Duque.

Sa kabila ng problema sa pondo, nanindigan si Duque na handa sila sa implementasyon ng programa sa 33 pilot areas. Magiging progresibo anya ang roll-out ng naturang programa.

Sa kasalukuyan, ang pagkukunan ng pondo para sa UHC ay ang budget ng DOH, premium contributions mula sa PhilHealth at bahagi ng kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR).

 

TAGS: doh, Health Sec. Francisco Duque III, IRR, pagcor, pcso, pondo, Universal Health care Law, doh, Health Sec. Francisco Duque III, IRR, pagcor, pcso, pondo, Universal Health care Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.