PhilHealth may dagdag-singil sa kontribusyon dahil sa Universal Health Care Law
Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na tataas ang premium sa PhilHealth bunsod ng implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.
Kasabay ng paglagda sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng UHC Law araw ng Huwebes ay sinabi ni Duque na tataas ang PhilHealth premium contribution ng .25 percent.
Ito umano ang pinakamababang dagdag-singil pero ramdam naman anya ang benepisyo ng publiko.
Samantala, tiniyak ni PhilHealth President Ricardo Morales na ligtas at hindi mawawaldas ng pera ng kanilang mga miyembro.
Sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na paglalaanan ng pondo sa taunang national budget ang UHC Law para lubusang pakinabangan ng lahat ng mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.