Brandon Vera at Aung La N Sang magsasagupa sa One Championship fight

ONE Championship photo

Itinuturing ng Filipino mixed martial arts fighter na si Brandon Vera na pinaka-importanteng laban niya ang sagupaan nila ni Aung La N Sang ng Burma.

Pahayag ito ni Vera 17 taon makalipas ang kanyang MMA career.

Nakatakdang magharap sina Vera at Aung La N Sang sa ONE: Century sa Linggo, October 13 sa Japan.

Target ni Vera na manataling ONE heavyweight world champion hanggang siya ay magretiro.

Sa panig naman ng kalaban, mahigit anim na buwang nang nagsasanay si Aung La N Sang kaya umaasa ito ng best performance kontra kay Vera.

Sa kolehiyo pa lamang anya ay idolo na niya ang Pinoy MMA champion.

 

Read more...