Maine Mendoza inalala ang tweet 9 yrs. Ago ukol sa pag-aartista

By Len Montaño October 11, 2019 - 03:54 AM SHARE(S):

Nangyari nga ang mensahe ni Maine Mendoza siyam na taon na ang nakalipas ukol sa kanyang mararamdaman kung siya ay isang artista.

Nire-tweet ni Maine ang tweet nito noong 2010 kung kailan sinabi nito na masarap siguro ang feeling pag artista tapos ay idadaan niya ito sa tweet.

Sa bago nitong post ay sinabi ng actress-host na sadyang totoong masarap ang maging artista at may nagre-react sa kanyang tweet.

“So ito na nga… bakit ko ba naisip to? Anyway, confirmed! Masarap magtweet kasi may mga nagrreact kesa 9 years ago na 3 friends ko lang ang nagrereply. Haha. Wala lang,” pahayag ng dalaga.

Una nang sinabi ni Maine na pangarap niya talaga ang maging isang celebrity.

Matatandaan na si Maine ang partner ni Alden Richards sa AlDub loveteam at sumikat sila sa Kalyeserye segment ng Eat Bulaga.

Matapos ang matagumpay na loveteam ay may kanya-kanya ng career at iba ng kapareha sa pelikula sina Maine at Alden.

Huling nakapera ni Alden si Kathryn Bernardo sa top-grosser film na “Hello, Love, Goobye” habang si Maine ay si Carlo Aquino na ang ka-loveteam sa ipapalabas na “Isa Pa With Feelings.”

 

TAGS: ALden Richards, AlDub, artista, Carlo Aquino, Maine Mendoza, masarap na feeling, tweet, ALden Richards, AlDub, artista, Carlo Aquino, Maine Mendoza, masarap na feeling, tweet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.