3 patay sa sunog sa Quezon City

By Rhommel Balasbas October 11, 2019 - 04:45 AM SHARE(S):
Screengrab of Christian Jay Lao Vinluan FB video

(2nd UPDATE) Umabot na sa tatlo ang nasawi makaraang masunog ang isang bahay sa Blue Ridge A Subdivision, Katipunan Avenue, Quezon City, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), natagpuan ang katawan ng isang 35-anyos na caregiver sa unang palapag ng bahay.

Ang ikalawang biktima edad 40 anyos, anak ng may-ari ng bahay, ay natagpuang nakaupo naman sa comfort room sa ikalawang palapag.

Hindi pa naman matukoy ang pagkakakilanlan ng isa pang bangkay na natagpuan malapit sa exit sa unang palapag.

Una rito ay pinaghahanap ang isang 87-anyos na may-ari ng bahay.

Ayon sa kasambahay na si Melende Allegre, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa bahagi ng kusina.

Nakalabas siya at ang kursinerang si Yolanda Sebrano at sinubukang humingi ng tulong ngunit pagbalik ay malakas na ang paglagablab ng apoy.

Sugatan naman si Sebrano na nagtamo ng second degree burns sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula makalipas ang kalahating oras.

TAGS: 3 PATAY, BFP, Blue Ridge A, caregiver, ikalawang alarma, Katipunan Avenue, quezon city, search operations, sunog, under control, 3 PATAY, BFP, Blue Ridge A, caregiver, ikalawang alarma, Katipunan Avenue, quezon city, search operations, sunog, under control

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.