Langis tumagas sa truck sa Commonwealth Ave.; 20 motorsiklo sumemplang

By Len Montaño October 11, 2019 - 03:15 AM

Screengrab of Fej Yodub FB video

Hindi bababa sa 20 motorsiklo ang sumemplang matapos tumagas ang langis mula sa isang trak sa Commonwealth Avenue sa Quezon City Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa MMDA, wala namang naiulat na nasugatan sa mga riders na nakaalis na rin sa lugar.

Halos 200 metro ang tinagasan ng langis sa inbound lane papuntang Fairview sa bahagi ng St. Peter’s Parish.

Nabatid na hindi umano napansin ng driver ang pagtagas ng langis ng truck.

Naitabi na ang truck pero inabot ng dalawang oras ang pagtanggal ng langis at paglilinis sa lugar.

TAGS: 20 motorsiklo, commonwealth avenue, langis, mmda, sumemplang, truck, tumagas, 20 motorsiklo, commonwealth avenue, langis, mmda, sumemplang, truck, tumagas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.