Road bridge gumuho sa China, 3 ang patay, 2 sugatan

Screengrab of Weibo video

Isang highway bridge ang bumagsak sa Wuxi City, Jiangsu province Huwebes ng gabi.

Sa viral video ngayon sa Chinese social media platform na ‘Weibo’ makikita ang pagguho ng tulay kung saan ilang mga sasakyan ang naipit.

Ayon sa local police, posibleng bumagsak ang tulay dahil sa isang overloaded truck na dumaan dito.

Tatlo ang nakumpirmang nasawi at dalawa ang nasugatan sa insidente.

Hindi bago ang construction at road accidents sa China.

Noong February 2018, walo katao ang nasawi sa Foshan, Guandong province matapos gumuho ang isang kalsadang bahagi ng subway construction site.

Read more...