4 na babae nailigtas sa spa na isang ‘prostitution den’ sa San Juan

By Len Montaño October 11, 2019 - 12:22 AM

Screengrab of San Juan LGU FB video

Nailigtas ng pulisya ang apat na babae sa isang spa sa San Juan na umanoy nagsisilbing prostitution den.

Isang pulis ang nagpanggap na customer at nakumpirma na isang sex den ang spa na nasa Barangay Greenhills.

Ayon kay San Juan police chief Col, Jaime Santos, naisalba ang mga babae ng San Juan Police Women and Children Protection Desk at San Juan City Local Social Welfare and Development Office.

Pero hindi naaresto ang may-ari ng spa na si Felipe Tamang Jr. at mga kasama nitong sina alyas Pauline at alyas Douglas.

Ipinasara na ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang spa dahil bukod sa isa itong prostitution den ay nag-ooperate ito ng walang kaukulang mga permit.

Ayon kay Zamora, kakasuhan ang may-ari ng spa ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.

Nagbabala naman ang alklade sa lahat ng establisyimento na nagsisilbing prostitution den na huhulihin at hindi papayagan ang operasyon ng mga ito sa San Juan.

TAGS: 4 babae, Anti-Trafficking in Persons Act, Mayor Francis Zamora, nailigtas, prostitution den, san Juan, spa, 4 babae, Anti-Trafficking in Persons Act, Mayor Francis Zamora, nailigtas, prostitution den, san Juan, spa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.