IRR ng Universal Health Care Law pirmado na

By Len Montaño October 11, 2019 - 12:03 AM SHARE(S):

Nilagdaan na ni Health Sec. Francisco Duque III ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Law (UHC) araw ng Huwebes.

Ito ang magbibigay daan sa implementasyon ng UHC Law na layon ang pangkalahatang health care para sa lahat ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng batas, lahat ng Pinoy ay magiging automatic na mga miyembro ng PhilHealth bilang “direct” o “indirect” contributors at kwalipikado sa “No Balance Billing” kapag na-confine sa ward ng pampubliko at pribadong ospital.

“The health system must actively improve the health literacy, the built environment, and the social determinants of health of every Filipino—it should be a system that seeks out and cares for Juan and Juana everyday, throughout their lives, not just when they are sick,” ani Duque.

Nakapaloob sa IRR na bawat Pilipino ay may nakalaang primary care provider o health worker na magbibigay ng libreng serbisyong medikal at mag-aabiso sa pasyente sa iba’t ibang health care facilities.

Noong February 20 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layong mapabilang ang lahat ng Pinoy, hindi na lamang ang ilang piling sektor, sa universal health care sa pamamagitan ng PhilHealth.

“When we say, “Sa UHC, lahat kasama,” we do not just mean that UHC caters to every Juan and Juana, we are also calling on every Juan and Juana to contribute to this immense reform to shape their health future, a health future that is for them and as much as it is by them,” dagdag ng kalihim.

 

TAGS: Health Sec. Francisco Duque III, health worker, IRR, No Balance Billing, PhiHealth, pirmado na, Universal Health care Law, Health Sec. Francisco Duque III, health worker, IRR, No Balance Billing, PhiHealth, pirmado na, Universal Health care Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.