Isetann Mall muling magbubukas sa Biyernes, Oct. 11

By Len Montaño October 10, 2019 - 11:24 PM SHARE(S):

Nag-anunsyo ang Isetann Mall sa Recto, Manila na balik-operasyon na ito sa araw ng Biyernes, October 11.

Huwebes ng umaga nang lumabas sa Facebook post ng mall na muling magbubukas ang Isetann Department Store and Supermarket.

Nakasaad sa post na lahat ng empleyado ng Isetann ay pinayuhan na sundin ang kanilang work schedule.

Nakalagay pa sa post ang #WALANGFOREVER at “Isetann RECTO is back to business.”

Pero kalaunan ay tinanggal ang naturang anunsyo sa FB page ng Isetann sa hindi pa malinaw na dahilan.

Ang abiso ng sinasabing muling pagbubukas ng mall ay dalawang araw matapos itong ipasara ni Manila Mayor Isko Moreno dahil sa umanoy paglabag sa ilang ordinansa at kawalan ng ilang business permits.

Gayunman ay sinabi ni Moreno noong Miyerkules na maaari namang muling magbukas ang Isetann kapag nakasunod na ito sa mga requirements ng lokal na pamahalaan.

TAGS: “Isetann RECTO is back to business”, #WALANGFOREVER, business permit, closed, facebook, Isetann, Mayor Isko Moreno, muling magbubukas, ordinansa, post, “Isetann RECTO is back to business”, #WALANGFOREVER, business permit, closed, facebook, Isetann, Mayor Isko Moreno, muling magbubukas, ordinansa, post

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.