Sandra Cam pumalag sa pagkakasangkot sa pinatay na Masbate vice mayor

By Noel Talacay October 10, 2019 - 06:48 PM SHARE(S):

Itinanggi ng PCSO Board of Director Sandra Cam na may kinalaman ang kanilang pamilya sa pananabang kay Batuan, Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Naniniwala si Cam na kaya nadadawit ang kanyang pamilya sa nasabing kaso dahil tinalo ng anak nito ang anak ni Yuson sa eleksyon.

Sinabi ni Cam na noong 2019 Mayoral election sa Batuan Masbate, nanalo ang anak ni Cam na si Marco Martin Cam bilang Mayor ng Batuan laban kay Charmax Jan Yuson na anak naman nang pinatay bise alkalde.

Hindi anya makatarungan na dinadawit ang kanyang pamilya sa pagkamatay ni Yuson.

Gayunman, nagpaabot naman ng pakikiramay si Sandra Cam sa pamilya ng bise alkalde.

Patay matapos pagbabarilin si Batuan, Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III, Miyerkules ng umaga, Oct 9, at patuloy pa rin nagpapagaling sa hospital ang dalwang kasama ni Yuson na sina Wilfredo Pineda at Alberto Yuson Alforte.

TAGS: manila, Masbate, sandra cam, ticao island, yuson, manila, Masbate, sandra cam, ticao island, yuson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.