MPD tiniyak na walang whitewash sa kaso ng pinatay na vice mayor ng Masbate

By Noel Talacay October 10, 2019 - 06:45 PM SHARE(S):

Iginiit ni Manila Police District (MPD) Director Brigadier General Vicente Danao, Jr na walang cover up o switching ng mga suspek na nangyayari.

Ang pahayag ni Danao ay ginawa matapos sabihin ng asawa ni Batuan, Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III na si Lalaine Yuson na may iregularidad sa imbestigasyon ng MPD sapagkamatay ng kanyang asawa na pinagbabaril sa Maynila kahapon.

Sinabi kasi ni Mrs. Yuson na kaya hindi agad maiprisinta sa publiko ang mga nahuling suspek dahil umano’y pinapalitan ang mga suspek ng MPD.

Plano naman ng MPD na magsampa ng kaso na illegal position of firearms sa mga naghuling apat na lalaki para hindi makalaya ang mga ito.

Una nang sinabi ni Danao na kaya hindi nila maiprisinta agad ang apat na lalaking nahuli sa giwang dragnet operation kahapon ng tanghali (Oct. 09) dahil wala pang mabigat na katibayan na maguuganay sa pananambang sa bise alkalde.

Tanghali ng Miyerkules, Oct. 09, agad nagsagawa ng dragnet operation ang MPD na nagresulta sa pagkapigil ng isang silver-gray na van na sakay ay apat na lalaki, ito’y matapos ang pananambang kay Batuan, Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III at dalawang kasama nito na himalang nakaligtas.

Kanina ay iniharap na sa media ang mga suspek na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Bradford Fuerte Solis, 41-anyos, Camiling Tarlac
2. Juanito Bustamante De Luna, 54-anyos, Camiling Tarlac
3. Junel Gomez Reyes, 36-anyos, Biñanan, Laguna
4. Rigor Magallanes Dela Cruz, 39-anyos, Camiling Tarlac

TAGS: Batuan, Danao, Masbate, MPD, ticao island, yuson, Batuan, Danao, Masbate, MPD, ticao island, yuson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.