Panelo hindi magsasama ng alalay sa pagsakay sa LRT bukas

By Chona Yu October 10, 2019 - 03:05 PM SHARE(S):
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Walang bodyguard, walang alalay.

Ito ang tiniyak ni presidential spokesman Salvador Panelo sa pagkasa ng hamon ng militanteng grupong Bayan at Anakbayan na sumakay sa LRT bukas.

Ayon kay Panelo, mag-isa lamang siyang magtutungo sa LRT para maranasan ang kalbaryo ng mga ordinaryong pasahero.

Hindi rin tinukoy ng kalihim kung saan partikular na lugar o kung anong oras siya sasakay ng LRT pero gagawin daw niya ito ng rush hour

Sa hamon ni Bayan Sec-Gen. Renato Reyes, dapat na sumakay si Panelo ng LRT ng rush hour o ang kasagsagan ng pagdagsa ng mga pasahero.

Paliwanag ni Panelo, isang kahibangan o silly challenge ang ginawa ng militanteng grupo na kanya namang pinatulan o silly acceptance.

Pakikisimpatya aniya sa kalbaryo ng mga pasahero ang kanyang pagpatol sa hamon na commute challenge.

TAGS: commute challenge, lrt. bayan, Malacañang, panelo, commute challenge, lrt. bayan, Malacañang, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.