Bersamin: Kaso nina Marcos at Robredo sa PET hindi lulutuin ng mga mahistrado

By Den Macaranas October 10, 2019 - 02:55 PM

Binigyang-diin ni Chief Justice Lucas Bersamin na hindi pwedeng lutuin ang resulta ng bilangan sa magiging bito nila sa electoral protest ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa isang interview sa Judiciary Memorabilia Hall sa Supreme Court sa Maynila, sinabi ni Bersamin na posibleng sa susunod na linggo ay matuloy na ang sinasabing bilangan ng boto.

Magugunitang ilang beses nang nabalam ang botohan ng mga mahistrado ng Supreme Court bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa petisyon ni Marcos.

“I know that everybody is so keen, expecting some announcements… but you know the banc is very deliberate about serious matters. This is a matter of national impact, so that is all I can share with you,” dagdag pa ng punong mahistrado.

 

Sa ilalim ng Rule 65 ng 2010 PET rules, pwedeng ibasura ng hukuman ang petisyon kung mabibigong patunayan ng naghain ng reklamo na nagkaroon ng iregularidad sa tatlong lalawigan na pinili ng nagsampa ng reklamo.

 

Sa kaso ni Marcos laban kay Robredo, pinili ng dating senador ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental bilang pilot provinces na nagkaroon umano ng dayaan noong 2016 elections.

 

Inamin rin ni Bersamin na lahat sila ay dumaranas ng pressure sa nasabing kaso.

 

Nauna dito ay naglabas ng paalala ang Supreme Court sa panig nina Marcos at Robredo na iwasan ang paglalabas ng anumang komento sa kaso at hintayin na lamang ang desisyon ng mga mahistrado.

TAGS: Lucas Bersamin, Marcos, pet, Robredo, Supreme Court, vice president, Lucas Bersamin, Marcos, pet, Robredo, Supreme Court, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.