Dalawa pang suspek sa pangho-holdap sa trucker sa R10 nadakip na ng mga pulis 

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2019 - 01:08 PM SHARE(S):

Arestado ng Pulis Maynila ang dalawa pang lalaki na nabisto sa isang viral video na nangholdap ng isang trucker sa kalagitnaan ng matinding trapiko sa Road 10, Tondo.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang mga suspek na sina Jack Dumapi, 18, third year high school student at Jimwell Jimenez, 20, walang trabaho.

Sila ay inaresto ng mga tauhan ng MPD Station 1 Don Bosco PCP sa ilalim ni Police Major Gilbert Cruz at MPD Special Mayor’s Reaction Team sa ilalim ni Police Major Rosalino Ibay Jr.

Nadakip ang dalawa sa isang follow-up operation sa Gate 2, parking area ng Parola Compound.

Una nang naaresto ang isa sa kasamahan ng dalawang suspek.

TAGS: holdup, manila, Road 10, Robbery, Tondo, holdup, manila, Road 10, Robbery, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.