Tapatan ng England at France sa Rugby World Cup kinansela dahil sa Typhoon Hagibis

Kinansela ang nakatakdang paghaharap sana ng England at France sa Rugby World Cup na gagawin dapat sa Japan sa Sabado.

Ito ay dahil sa inaasahang pagtama ng Typhoon Hagibis.

Kinumpirma din ng World Rugby na kanselado na ang laban ng New Zealand at Italy.

Ang mga laban ay dapat isasagawa sa International Stadium sa Yokohama.

Base sa forecast, ang Typhoon Hagibis ang magiging pinakamalakas na bagyong tatama sa Japan sa nakalipas na 60 taon.

Read more...