Ayon kay PNP Spokesperson, Police Chief Supt. Wilben Mayor, sa labingtatlong nadakip, tatlo ang mula sa Region 4-A, tatlo din sa Region 7, habang tigda-dalawa ang naitala sa Police Regional Office (PRO) 13, PRO ARMM, at PRO 10 at isa naman ang naaresto mula sa PRO 18 (Negros Island Region).
Labingtatlong armas din ang nakumpiska na simula kahapon, araw ng Linggo na unang araw ng implementasyon ng gun ban.
Maliban sa 13 iba’t-ibang uri ng armas, mayroon pang 12 mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng PNP.
Kabilang dito ang 2 deadly weapons, 9 na ammunitions, at isang firearm replica.
Sinabi ni Mayor na sa kabuuan, mayroong 1,661 na Comelec checkpoints na itinayo sa buong bansa para sa mahigpit na pagpapatupad ng gun ban ngayong election period.