13 arestado sa unang dalawang araw ng pagpapatupad ng gun ban

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2016 - 01:12 PM

gun-banUmabot na sa 13 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa unang dalawang araw na pagpapatupad ng gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Chief Supt. Wilben Mayor, sa labingtatlong nadakip, tatlo ang mula sa Region 4-A, tatlo din sa Region 7, habang tigda-dalawa ang naitala sa Police Regional Office (PRO) 13, PRO ARMM, at PRO 10 at isa naman ang naaresto mula sa PRO 18 (Negros Island Region).

Labingtatlong armas din ang nakumpiska na simula kahapon, araw ng Linggo na unang araw ng implementasyon ng gun ban.

Maliban sa 13 iba’t-ibang uri ng armas, mayroon pang 12 mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng PNP.

Kabilang dito ang 2 deadly weapons, 9 na ammunitions, at isang firearm replica.

Sinabi ni Mayor na sa kabuuan, mayroong 1,661 na Comelec checkpoints na itinayo sa buong bansa para sa mahigpit na pagpapatupad ng gun ban ngayong election period.

TAGS: Comelec Gun Ban, Comelec Gun Ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.