WATCH: Alkalde sa Mexico tinali sa pick-up truck at kinaladkad ng mga galit na raliyista

Matindi ang hinanakit ng mga magsasakang nagpoprotesta sa Southern Mexico.

Lumusob sa city hall ang mga raliyista, dinampot ang kanilang alkalde, itinali ito sa likot ng isang pick-up truck at saka kinaladkad.

Ito ay dahil sa kabiguan umano ni Las Margaritas, Chiapas Mayor Jorge Luis Escandon ma tuparin ang kaniyang mga ipinangako noong eleksyon.

Ayon sa mga nakakita sa insidente, itinali ang alkalde sa pickup truck at saka kinaladlad ng ilang metro sa lansangan.

Nagawa namang maawat ng mga pulis ang mga napoprotesta. Hindi naman gaanong nasaktan ang alkalde.

Aabot sa 11 katao ang inaresto sa nasabing protesta.

https://youtu.be/faRIe_JcAkk

Read more...