IG post ni Michael V. na nananawagan ng dasal para sa maysakit na ama umani ng suporta
By Jimmy Tamayo October 10, 2019 - 09:35 AM
Dinagsa ng mensahe ng pagsuporta ang madamdaming Instagram post ng Kapuso comedian na si Michael V kung saan nananawagan siya ng dasal para sa may sakit na ama.
Sa kanyang IG, nagpost si Bitoy ng larawan kung saan makikitang hawak niya ang kamay ng ama.
Nilagyan pa niya ito ng caption na “Holding on… #PrayersForMYFather.”
Nagpahayag ng suporta ang ilan sa kanyang mga fans at mga celebrity friends gaya nina Dawn Zulueta, Paolo Contis, Raymund Isaac, Antonio Aquitana at si Pia Guanio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.