Renato Reyes ng grupong BAYAN sasabayan si Panelo sa pag-commute nito sa Biyernes

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2019 - 08:58 AM SHARE(S):

Sasabayan ni BAYAN Secretary General Renato Reyes Jr. si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pagco-commute nito sa Biyernes, Oct. 10.

Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni Reyes na dahil tiyak ang mahabang biyahe ni Panelo sa Biyernes ay nais niyang gamitin ang oras na ito para makausap si Panelo.

Nais umano niyang talakayin kay Panelo ang problema sa mass transport system sa bansa.

Ayon kay Reyes, maaring mahaba ang daratnang biyahe ni Panelo sa LRT kaya magandang pagkakataon ito para mapag-usapan ang pagkakaroon ng long-term solutions sa problema.

Paliwanag ni Reyes, ang kanilang hamon kay Panelo ay hindi lamang para patunayang kaya itong gawin kundi para maipaunawa sa mga government official ang sinasapit ng mga commuter sa araw-araw.

Kaya mensahe ni Reyes kay Panelo – “Magkita tayo sa Biyernes”.

TAGS: commute, mass transport, renato reyes, secretary panelo, commute, mass transport, renato reyes, secretary panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.