Bumibiyaheng tren ng LRT-2 posibleng dagdagan na sa susunod na mga araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2019 - 08:44 AM SHARE(S):

Maaring magdagdag na ng bilang ng bumibiyaheng tren sa susunod na mga araw sa LRT Line 2.

Ayon kay LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera, sa ngayon pinag-aaralan nilang magdagdag ng isa hanggang dalawang tren.

Kabilang din sa pinag-aaralan ang posibilidad na gawing sa alas 5:00 ng umaga ang simula ng operasyon ng tren.

Mananatili namang limitado pa mula Cubao hanggang Recto at pabalik ang operasyon ng LRT-2.

Sa ngayon ay limang tren lamang ang bumibiyahe at mas binagalan ang andar nito.

Mula rin sa orihinal na schedule na 4:30AM na pag-uumpisa ng biyahe ay ginawa itong 6:00AM.

TAGS: light rail transit, LRT 2, LRTA, railways, trains, light rail transit, LRT 2, LRTA, railways, trains

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.