Lalaking nakagapos natagpuang walang buhay sa QC

By Jong Manlapaz October 10, 2019 - 08:13 AM SHARE(S):

Isang lalaki ang natagpuang patay sa Barangay Mariana, Quezon City.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, alas 6:00 ng umaga ng Huwebes (Oct. 10) nang may tumawag sa kanila para iulat na may nakitang nakahandusay na lalaki sa gilid ng kalsada sa New Manila.

Nang dumating sa lugar ang mga tanod ng barangay ay nakita ang lalaki na walang buhay, nakatali ang kamay at paa.

May mga tattoo sa katawan ang hindi pa nakikilang lalaki na nakasuot ng pulang sando.

Hinihinalang biktima ng summary execution ang lalaki at itinapon lang sa lugar.

TAGS: ambush, Barangay Manresa, quezon city, summary execution, ambush, Barangay Manresa, quezon city, summary execution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.