Pambato ng Spain itinanghal na Miss Asia Pacific International 2019

Ang pambato ng Spain na si Chaiyenne Huisman ang kinoronahan bilang Miss Asia Pacific International 2019.

Idinaos ang coronation night sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Miyerkules (Oct. 9) ng gabi.

Si Miss Asia Pacific International 2019 Sharifa Akeel ng Pilipinas ang nagpasa ng korona kay Huisman.

Ang pambato ng Pilipinas ngayong taon na si Klyza Castro ay nagtapos sa Top 25.

Nakuha din niya ang Continental Queen of Asia title sa preliminary competition na ginawa noong October 4.

Samantala narito ang iba pang nagwagi sa Miss Asia Pacific International 2019.

1st runner-up: Eoanna Constanza, Dominican Republic
2nd runner-up: Jessica Cianchino, Canada
3rd runner-up: Carolina Schuler, Brazil
4th runner-up: Fiorella Cortez Arbenz, Costa Rica

Read more...