Water level ng Angat dam bahagyang nabawasan

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2019 - 06:58 AM SHARE(S):

Bahagya pang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, nasa 189.55 meters ang antas ng tubig ng Angat dam alas 6:00 ng umaga ng Huwebes, Oct. 10.

Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam at ngayo n ay nasa 78.10 meters.

Habang nadagdagan naman ng kaunti ang antas ng tubig sa Ipo dam at nasa 100.93 meters.

Nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Magat.

Habang nabawasan ang antas ng tubig sa Caliraya at Binga.

TAGS: angat dam, dam status, pagasa, water level, Water supply, angat dam, dam status, pagasa, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.