Pito arestado sa magkakahiwalay na buy-bust sa Negros Occidental; P500K na halaga ng shabu nakumpiska

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2019 - 06:06 AM SHARE(S):

Pitong katao ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa ikinasa sa Negros Occidental.

Sa Silay City, isang alyas Junjun at isa pa niyang kasama ang nakuhanan ng P300,000 halaga ng ilegal na droga.

Sa Barangay 2, Bacolod City naman, tatlong lalaki ang naaresto at nakuhanan ng P180,000 na halaga ng hinihinalang shabi.

Dalawang lalaki pa ang naaresto sa hiwalay na operasyon sa Barangay Singcang Airport at nakuhanan sila ng P30,000 halaga ng ilegal na droga.

Ang pito ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, Negros Occidental, War on drugs, buy bust, Negros Occidental, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.