P600K halaga ng shabu nakumpiska sa dalawang suspek sa Davao City

Arestado ang dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust oeparation sa Davao City, Miyerkules (Oct. 9) ng gabi.

Nakuha sa dalawa ang tinatayang P600,000 halaga ng ilegal na droga.

Ayon sa Davao City police, galing sa Marawi City ang dalawang suspek.

Inatasan lang umano ang dalawa na dalhin ang shabu sa Davao City at sila ang makipagtransaksyon sa buyer.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...