LOOK: Pahayag ng pamunuan ng Isetann matapos maipasara ang Recto Branch
Matapos maipasara nagpalabas ng abiso sa publiko ang pamunuan ng Isetann.
Ayon sa pahayag ng Marketing Group Head ng Isetann Department Store Inc., na si Joyie Dimayuga, bilang pagtalima sa inilabas na closure order ng Manila City Hall sa Cinerama Mall ay pansamantalang ititigil ang operasyon ng Isetann Department Store at Supermarket sa Recto.
Ayon sa pahayag ng Isetann, suportado nila ang adbokasiya ng lokal na pamahalaan at umaasa silang agad mareresolba ng pamunuan ng mall ang mga isyung kinasasangkutan ng Cinerama Complex.
Umaasa din ang Isetann na magiging pansamantala lamang ang closure at agad din silang makababalik sa operasyon.
Habang sarado ang Recto Branch ay hinimok ng Isetann ang publiko na magtungko sa iba nilang branch sa Carriedo, Cubao, Sta. Mesa at P. Tuazon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.