Pumaren balik sa pag-coach sa Adamson matapos maoperahan

By Len Montaño October 10, 2019 - 04:36 AM SHARE(S):

Balik na sa pagko-coach si Franz Pumaren sa Adamson University ilang araw lamang matapos itong maoperahan.

Nais ni Pumaren na muling pamunuan ang Soaring Falcons sa pagsabak nito sa defending UAAP champion Ateneo.

Sumailalim si Pumaren sa surgery kung saan tinanggalan ito ng kidney stones pero bago bumalik sa trabaho ay binigyan naman ito ng go signal ng kanyang mga doktor.

Ayon kay Pumaren, ayaw niyang iwan ang koponan sa gitna ng laban.

Nasa laro ang Adamson nang sumakit ang tiyan ni Pumaren kaya isinugod ito sa ospital at agad na inoperahan.

Sinabi ni Pumaren na hanggang nakakalakad siya ay kasama siya ng Falcon sa kanilang mga practice at laban.

 

TAGS: Adamson, Ateneo, balik coach, franz pumaren, kidney stones, operasyon, Soaring Falcons, UAAP, Adamson, Ateneo, balik coach, franz pumaren, kidney stones, operasyon, Soaring Falcons, UAAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.