Lalaki timbog matapos mahulihan ng baril at pampasabog sa Muntinlupa

By Rhommel Balasbas October 10, 2019 - 04:31 AM SHARE(S):

Arestado ang isang 45-anyos na lalaki matapos makuhaan ng baril at pampasabog sa Muntinlupa City.

Ayon sa Muntinlupa Police, isang tip ang natanggap nila tungkol sa lalaki na nakilala sa alyas na ‘Randy’.

Batay sa sumbong ng concerned citizen, sakay ng motorsiklo ang lalaki at may dala umano itong baril.

Dahil dito, agad na pinuntahan ng pulis ang kinaroroonan ng lalaki at agad naman itong nakita sa bahagi ng Wawa Street.

Nagtangkang tumakas ang suspek nang sitahin ng mga pulis at nagkaroon ng habulan.

Gayunman, naharang ang suspek at nakuhaan ng isang kalibre .45 na baril at isang hand grenade.

Mahaharap ngayon ang lalaki sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

 

TAGS: baril, habulan, Hand grenade, illegal possession of firearms and explosives, kalibre .45, Muntinlupa City, pampasabog, baril, habulan, Hand grenade, illegal possession of firearms and explosives, kalibre .45, Muntinlupa City, pampasabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.