Sunog sumiklab sa residential area sa Quezon City

By Rhommel Balasbas October 10, 2019 - 04:28 AM

Screengrab of Macel Cornelio video

Dalawang araw pa lang ang nakalilipas, isa na namang sunog ang sumiklab sa Brgy. San Martin de Porres sa Quezon City.

Ang sunog ngayong Huwebes ng madaling araw ay ilang metro lang ang layo sa mga bahay na nasunog noong Martes,

Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection – Quezon City, pasado ala-1:30 nang sumiklab ang apoy sa isang bahay sa Zambales Street.

Sa banyo ng bahay nagsimula ang sunog at nadamay ang dalawang kwarto.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog matapos agad na maapula sa loob ng halos 40 minuto.

Wala namang nasaktan sa sunog at umabot sa halos P30,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

TAGS: BFP, Brgy. San Martin de Porres, pangalawa, quezon city, residential area, sunog, BFP, Brgy. San Martin de Porres, pangalawa, quezon city, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.