Post ni Chito Miranda para sa misis na si Neri Naig viral

By Len Montaño October 10, 2019 - 04:06 AM SHARE(S):

Idinaan sa social media ng vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang walang kapantay na pagmamahal nito sa kanyang asawa na si Neri Naig.

Viral ngayon ang Facebook post ni Miranda kung saan tila pinarangalan nito ang asawa.

Nagsimula ang post ukol sa mga magagandang katangian ni Naig pero bigla itong pinutol ng singer dahil hindi raw tungkol ito sa kanyang misis kundi sa kanyang sarili at kung bakit siya minahal ni Neri.

Ayon kay Miranda, hindi dahil sa kanyang kagwapuhan, yaman, kasikatan at abs kung bakit siya minahal ni Neri.

Minahal anya siya ng asawa dahil naglaan siya ng 3 oras na biyahe papunta at pauwi para lamang makapiling si Neri ng 1 oras.

“Kasi I’d drive for 3hrs just to spend an hour with her, and travel for another 3hrs going back home. At sa 1 hour na kasama ko sya, papatawanin ko sya at aalaskahin, kukulitin at tatratuhin bilang tropa…pero may kasamang malisya, kasi alam nya na may gusto ako sa kanya,” ani Miranda.

Ang tip pa ng singer sa kanyang fans, tiyakin na alam ng minamahal na ayaw mo na magkaibigan lamang kayo pero dapat pa rin na ituring ito bilang isang friend.

Sa huli ay sinabi ni Miranda na pinaramdam niya kay Neri na mahalaga ito.

Tinigil anya ng singer ang kanyang kalokohan hindi dahil hiniling ni Neri kundi dahil gusto niya na magmahal ito sa isang tao na karapat-dapat mahalin.

Kailangan umano ni Miranda na makasama ang babaeng worthy sa naturang uri ng pagmamahal kundi ay mawawala ito.

“Never ko din pinagtulakan ang sarili ko sa kanya…pero pinaparamdam ko na pinapangahalagahan ko talaga sya above everyone and everything else. Tinigil ko yung mga kalokohan ko, not because she asked me to, but because I wanted her to be in love with someone who was worth loving. I needed to be someone worthy of that love…kasi kung hindi mawawala sya,” ani Miranda.

Umani na ng mahigit 200,000 likes at halos 70,000 shares ang post ni Miranda para sa asawa.

TAGS: Chito Miranda, facebook, Neri Naig, post, Chito Miranda, facebook, Neri Naig, post

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.