Mass vaccination vs polio simula na sa Lunes

By Rhommel Balasbas October 10, 2019 - 03:56 AM

NIÑO JESUS ORBETA

Aarangkada na simula sa Lunes, October 14 hanggang 27 ang door-to-door supplemental vaccination laban sa polio sa Metro Manila, Laguna, Marawi City, Lanao del Sur, Davao City at Davao del Sur.

Sa Kapihan sa Manila Bay media forum araw ng Miyerkules, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na kasama sa mass vaccination ang “monovalent vaccines” para sa Type 2 vaccine-derived poliovirus.

Mula anya ang mga bakunang ito sa World Health Organization (WHO) headquarters sa Switzerland at dumating sa bansa noong Lunes.

Target ng DOH na mabakunahan lahat ng bata edad lima pababa kahit na nabakunahan na ang mga ito noon.

Paliwanag ni Duque, mahirap at magastos na maghanap pa ng vaccine records at makakabalam pa ito sa anti-polio drive.

Tiniyak ng kalihim na walang magiging overdose sa anti-polio vaccines kahit na naturukan na noon.

Magugunitang inanunsyo ng DOH ang outbreak ng Type 2 vaccine-derived poliovirus sa dalawang bata sa Lanao del Sur at Laguna.

Nakitaan din ng strain ng naturang virus ang mga kanal sa Maynila at Davao.

Ayon kay Duque, 2016 nang hindi na isama sa polio vaccination coverage sa bansa ang bakuna para sa Type 2 virus.

Ito ang dahilan kung bakit humiling siya sa WHO na magpadala ng ‘monovalent vaccine para sa Type 2 virus nang mapigilan ang pagkalat ng polio sa bansa.

“In 2016, we shifted from trivalent vaccines to bivalent vaccines or for Types 1 and 3 polio virus. Type 2 has been excluded… In trivalent vaccines, you cover all of the three types of polio,” dagdag ng kalihim.

 

TAGS: doh, door-to-door, Health Sec. Francisco Duque III, Polio, supplemental vaccination, WHO, doh, door-to-door, Health Sec. Francisco Duque III, Polio, supplemental vaccination, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.