4 arestado sa droga sa Pasay at Quezon City

By Len Montaño October 10, 2019 - 03:31 AM SHARE(S):

Arestado ang tatlong lalaki matapos makuhanan ng droga ng pulisya sa Pasay City.

Ayon sa pulisya, ang mga naaresto ay nakilala sa mga alyas na Alfredo, Elmor at Redentor.

Nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga pulis sa Barangay 122 nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng tatlo.

Nang sitahin ay nakuhanan ng ilang sachet ng shabu ang mga suspects.

Nabatid na nasa drugs watchlist si alyas Alfredo.

Samantala, timbog ang isang construction worker matapos namang maatuhang gumagamit ng shabu sa Quezon City.

Nakuha sa suspect ang anim na sachet ng shabu.

Ayon sa construction worker, umiiskor siya ng droga para manatiling alerto sa trabaho.

 

TAGS: 3 suspects, 6 sachet, Anti-Criminality Operation, construction worker, Pasay, quezon city, shabu, 3 suspects, 6 sachet, Anti-Criminality Operation, construction worker, Pasay, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.