Sa Kapihan sa Manila Bay media forum araw ng Miyerkules, sinabi ni Sec. Duque na kaya ng pangulo ang trabaho kahit na masyado itong mahirap at maraming hinihingi.
“I think he is quite fit for the job because my personal assessment is that he is a strong man to be able to do his job, which is a very taxing, very demanding and high-pressure level job,” ani Duque.
Ayon pa sa kalihim, maraming bagay na ginagawa ang presidente na hindi naman nasusundan ng media.
Kabilang dito ang pagpunta sa mga burol, pagbisita sa mga sundalo at pulis sa mga ospital.
Wala anyang epekto ang pagkakaroon ng presidente ng myasthenia gravis sa kakayahan nitong magtrabaho.
Magugunitang inanunsyo ng presidente sa harap ng Filipino community sa Russia ang pagkakaroon niya ng naturang sakit na nagdudulot ng muscle weakness.
Bukod pa ang sakit sa nauna nang pag-amin ng presidente na mayroon siyang Buerger’s disease at Barrett’s esophagus at ang paggamit ng fentanyl para hindi gaanong maramdaman ang sakit sa spine.