Sunog sumiklab sa residential area sa Las Piñas

By Rhommel Balasbas October 10, 2019 - 03:08 AM

Iry Teves photo

(UPDATE) Natupok ng apoy ang isang residential area sa Mabuhay St. Brgy. CAA, Las Piñas City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Las Piñas City fire marshal Arthur Sawate, alas-2:12 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay ng isang Ramon Pasagi.

Makalipas ang halos kalahating oras ay agad na itinaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay at pawang gawa pa sa mga light materials.

Tinitingnang nagsimula ang apoy dahil sa naiwang kandila.

Alas-3:25 ay tuluyan nang naapula ang sunog.

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente.

TAGS: CAA, ikatlong alarma, Las Piñas City, residential area, sunog, CAA, ikatlong alarma, Las Piñas City, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.