Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), inaasahang magdadala ng malalakas na hangin, pag-ulan at matataas na alon ang bagyo.
Kasalukuyang binabagtas ng Typhoon Hagibis ang katubigan malapit sa Ogasawara island chain at inaasahang tatama sa western at eastern Japan sa pagitan ng Sabado at Linggo.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 270 kilometro bawat oras at kumikilos sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ayon sa JMA, ang Typhoon Hagibis ay posibleng sinlakas ng Typhoon Faxai na tumama sa eastern Japan noong Setyembre at nagdulot ng malawakang power outage sa Chiba Prefecture.
Posible ring sinlakas ang bagyo ng Typhoon Jebi na nagpabaha naman sa terminal at runway ng Kansai International Airport noong September 2018.
Nag-anunsyo na ang ilang railways at ilang airlines ng posibilidad ng kanselasyon ng train operations at ilang flights.