3 babaeng rebelde arestado sa Cagayan; 1 pa huli dahil sa obstruction of justice

By Len Montaño October 10, 2019 - 02:30 AM SHARE(S):
CIDG photo

Nasa kustodiya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang tatlong babae na umanoy mga rebeldeng komunista matapos  maaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan.

Nakilala ang mga naaresto na sina Violeta Ricardo alyas Isay, Cristina Garcia alyas Senyang, Delilah Padilla alyas Delay.

Naaresto sina Ricardo at Garcia sa bayan ng Gattaran habang si Padilla ay sa Tuguegarao City.

Arestado naman si Carol Garcia dahil sa obstruction of justice dahil sa pagtangging isuko si Padilla.

Ayon sa pulisya, si Padilla ay nasa listahan ng mga most wanted na mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

 

TAGS: 4 arestado, Cagayan, CPP-NPA, komunista, obstruction of justice, PNP-CIDG, rebelde, 4 arestado, Cagayan, CPP-NPA, komunista, obstruction of justice, PNP-CIDG, rebelde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.