Miyerkules ng gabi ay kinagat ni Panelo ang hamon para panindigan ang pahayag na walang umiiral na mass transport crisis sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng Anakbayan na dapat sumakay si Panelo sa mass transport system sa kasagsagan ng morning rush hour at wala dapat bodyguards.
Upang hindi rin anya maging palabas lang ang pagtanggap ni Panelo sa hamon, dapat ay gawin niya ito ng hindi lang isang araw kundi sa loob ng isang buong linggo.
“First of all, travel during early morning rush hour. Second, no special treatment—no bodyguards to brush off crowd. Third, we are expecting the stint to be mere performance. To prevent this, the spokesperson must commute not only for a single day, but for a whole week. The youth and workers will accompany you,” ayon kay Alex Danday, Anakbayan national spokesperson.
Patuloy namang hinamon ng grupo ang mga opisyal ng gobyerno na maglatag ng mga solusyon para maging maayos ang mass transport system ng bansa.
Ayon sa Anakbayan, kapag walang nangyaring reporma matapos ang pagkagat ni Panelo sa hamong mag-commute ay tila pagpapapogi lamang ang ginawa nito.