Anakbayan kay Panelo: Mag-commute sa kasagsagan ng rush hour, walang bodyguards

By Rhommel Balasbas October 10, 2019 - 01:40 AM

Naglatag ng mga kondisyon ang grupong Anakbayan matapos tanggapin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang kanilang hamon na sumakay sa public transportation.

Miyerkules ng gabi ay kinagat ni Panelo ang hamon para panindigan ang pahayag na walang umiiral na mass transport crisis sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Anakbayan na dapat sumakay si Panelo sa mass transport system sa kasagsagan ng morning rush hour at wala dapat bodyguards.

Upang hindi rin anya maging palabas lang ang pagtanggap ni Panelo sa hamon, dapat ay gawin niya ito ng hindi lang isang araw kundi sa loob ng isang buong linggo.

“First of all, travel during early morning rush hour. Second, no special treatment—no bodyguards to brush off crowd. Third, we are expecting the stint to be mere performance. To prevent this, the spokesperson must commute not only for a single day, but for a whole week. The youth and workers will accompany you,” ayon kay Alex Danday, Anakbayan national spokesperson.

Patuloy namang hinamon ng grupo ang mga opisyal ng gobyerno na maglatag ng mga solusyon para maging maayos ang mass transport system ng bansa.

Ayon sa Anakbayan, kapag walang nangyaring reporma matapos ang pagkagat ni Panelo sa hamong mag-commute ay tila pagpapapogi lamang ang ginawa nito.

TAGS: Anakbayan, bodyguard, commute, hamon, mass transport crisis, papogi, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, public transportation, rush hour, special treatment, Anakbayan, bodyguard, commute, hamon, mass transport crisis, papogi, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, public transportation, rush hour, special treatment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.