Kidlat posibleng dahilan ng sunog sa power rectifiers ng LRT-2

By Len Montaño October 10, 2019 - 01:35 AM

Lumabas sa inisyal na pagsusuri ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na kidlat ang posibleng dahilan ng pagkasunog ng power rectifiers sa tatlong istasyon ng Light Rail Transit-2 (LRT-2).

Sa pagdinig sa Kamara araw ng Miyerkules, sinabi ni Engineer Federico Canar, manager ng LRT Lines 1 at 2 Engineering Department na posibleng kidlat o pagpalya ng equipment ang dahilan ng sunog.

Paliwanag ni Canar, magkakasabay na nasunog ang Substation 5,6, at 4 sa LRT-2 kaya mas malamang na ito ay sanhi ng kidlat.

Sinabi naman ni LRTA Deputy Administrator for Operations and Engineering Paul Chua na isang araw bago ang sunog ay may naitalang lightning strike na naging dahilan ng shutdown ng operasyon ng LRT-2 ng ilang minuto.

“Meron siyang relasyon to the day after because that night, na-confirm namin na may lightning talaga and nagka-uka yung copper area na nakadikit sa catenary sa kuryente,” ani Chua.

Pinuna ni Cavite Rep. Jesus Remulla kung bakit matagal ang imbestigasyon ng ahensya sa insidente.

Pero paliwanag ng LRTA, hindi pa nila mapasok ang lugar ng sunog dahil nasa hurisdiksyon pa ito ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Dahil dito ay inatasan ni Interior Undersecretary Epimaco Densing ang BFP na bilisan ang imbestigasyon.

 

TAGS: BFP, kidlat, LRT 2, LRTA, power rectifier, sunog, BFP, kidlat, LRT 2, LRTA, power rectifier, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.