Boracay itinanghal na ‘Best island in Asia for 2019’

By Len Montaño October 10, 2019 - 12:52 AM SHARE(S):

Nagbalik na sa mapa ang tanyag na tourist destination na Boracay matapos itong itanghal na “Best Island in Asia for 2019.”

Ang parangal ay matapos ang isinagawang rehabilitasyon sa isla kung saan isinara ito mula sa mga bisita sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa international travel magazine na Conde’ Nast Traveler, ang Boracay ang Top Island in the World ngayong taon.

Nakuha ng Boracay ang 32nd rank matapos itong piliin ng 600,000 na mga travelers sa buong mundo.

Noong 2016, kinilala na rin ng naturang magazine ang dalawa pang isla sa bansa.

Pasok sa Top 20 Best Islands in the World ang Palawan at Cebu.

 

TAGS: “Best Island in Asia for 2019”, 32nd rank, boracay, cebu, Conde’ Nast Traveler, isla, Palawan, Top Island in the World, “Best Island in Asia for 2019”, 32nd rank, boracay, cebu, Conde’ Nast Traveler, isla, Palawan, Top Island in the World

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.