M3.8 na lindol naitala sa Davao Occidental

By Rhommel Balasbas October 10, 2019 - 12:32 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-11:30 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 272 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

TAGS: aftershocks, Davao Occidental, lindol, phivolcs, Sarangani, tectonic, aftershocks, Davao Occidental, lindol, phivolcs, Sarangani, tectonic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.