Kawalan ng disaster recovery plan ng LRTA nabunyag sa Kamara
Inamin ng mismong mga opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na walang disaster recovery plan ang ahensya bilang tugon sa mga sitwasyon gaya ng pagkasunog ng power rectifier ng Light Rail Transit-2 (LRT-2).
Sa pagdinig sa Kamara araw ng Miyerkules, inamin ni Federico Canar, manager ng LRT Lines 1 at 2 engineering department, wala silang disaster recovery playbook na gagamiting alituntunin sa iba’t ibang emergency situations.
Dahil dito ay sinita ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang naturang kakulangan sa panig ng LRTA.
Iginiit ng kongresista na malalaman ng LRTA ang tamang hakbang kung mayroon itong disaster recovery plan.
Sinabi naman ni LRTA corporate board secretary Hernando Cabrera na ang mayroon sila ay risk management plan na kanilang sinusunod kapag may terror attack, salpukan ng mga tren o aberya.
Pag-aaralan anya ng LRTA kung kasama sa risk management plan ang pagkakataon gaya ng pagkasunog ng power rectifier.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.