Guanzon, ‘aggressive, abrasive and arrogant’ ayon kay Brillantes

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2016 - 10:54 AM

GuanzonBagaman totoo ang pahayag ni Commissioner Rowena Guanzon na hindi siya ‘subordinate’ ni Comelec Chairman Andres Bautista ay mahalaga pa ring respetuhin niya ang chairman ng poll body.

Ito ang sinabi ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., sa panayam ng Radyo Inquirer.

Sinabi ni Brillantes na ‘technically’ mas mataas pa rin si Bautista kay Guanzon kahit maituturing silang pantay-pantay sa Comelec en banc. “Si Commissioner Guanzon, technically below the Chairman, konting respeto naman hindi siya dapat masyadong nag-iingay,” sinabi ni Brillantes.

Paliwanag ni Brillantes, sa poll body kung saan ‘equal’ o pantay-pantay ang pitong en banc members, bilang chairman ay si Bautista pa rin ang ‘first among equal’.

Napansin din ni Brillantes ang aniya ay pagiging agresibo ni Guanzon at matapang ang dating tuwing magsasalita sa media. “Mukhang mas agresibo pa itong si Commissioner (Guanzon), talagang mukhang matapang dating,” dagdag pa ni Brillantes.

Ayon kay Brillantes, nakakausap niya ang mga kaibigan niyab sa loob ng poll body at maging ang mga ito ay napapansin si Guanzon.

Binansagan din ni Brillantes ng tatlong ‘A’ si Guanzon na ang kahulugan aniya ay ‘aggressive, abrasive and apparently arrogant’. “May mga kaibigan pa naman ako diyan sa loob (ng Comelec) at alam ko parang ganoon nga ata ang personality niya, tatlong A, may pagka-agresibo, medyo abrasive at kung minsan medyo arrogant pa,” ani Brillantes.

Sa nangyayari ngayon ayon kay Brillantes, mas disente ang dating ni Chairman Bautista dahil tahimik lang at walang masyadong sinasabi, gayung si Guanzon naman ay nagpapakita ng pagiging agresibo at matapang ang dating.

Sinabi ni Brillantes na dapat sana ay naghintay si Guanzon o humingi na muna ng resolusyon sa en banc bago niya isinumite ang komento sa SC.

Dahil tuloy sa ginawa ni Guanzon, sinabi ni Brillantes na maaring kwestyunin ang nasabing komento. “Kasi Ngayon, pwedeng kwestyunin ang inihain niyang comment sa Supreme Court, dahil nasaan ang authority,?” dagdag pa ni Brillantes.

TAGS: rowena guanzon, rowena guanzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.