Higit 500 dayuhan arestado sa raid ng NCRPO sa Parañaque

PIO, NCRPO photo

Mahigit 500 na mga foreign nationals ang inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa raid sa MIA Road sa Parañaque Miyerkules ng gabi.

PIO, NCRPO photo

Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, nasa 524 na mga dayuhan ang naaresto kabilang ang mahigit 400 Chinese nationals na may kinakaharap na kasong telecommunications fraud sa China.

Kasama ring naaresto ang 90 na iba pa na mga Vietnamese, Malaysian, Taiwanese at Indonesian.

Ayon kay Eleazar, walang working permit ang mga Chinese nationals at ikinukunsiderang kanselado ang kanilang mga pasaporte kaya sila ay maituturing na mga undocumented aliens ang mga ito.

Ang operasyon ng NCRPO ay sa pakikipag-koordinasyon sa Bureau of Immigration kasunod ng sumbong ng Chinese Embassy ukol sa kasong kinakaharap ng mga mamamayan nilang naaresto.

Paliwanag pa ni Eleazar, may influx ng mga Chinese nationals sa bansa dahil sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Una rito ay ilang establisyimento na nag-ooperate bilang mga prostitution den ang sinalakay ng mga otoridad at ilang mga babaeng Chinese ang nailigtas habang arestado ang kanilang mga parokyanong lalaking Chinese.

Read more...